Tuesday, March 4, 2014

Sa Katapusan ng Marso

Kailan ka mamartsa?
Sa katapusan po ng Marso.

Ilang araw na lamang at magtatapos na si Bell sa kolehiyo. Pagkatapos ng finals week ay preparasyon na sa graduation. Sabik na siyang makatapos upang makatulong sa pamilyang nasa probinsya.

Nakikiusap po ako. Bigyan niyo pa po ako ng ilang araw.
Masyado nang mahaba ang binigay naming palugit sa iyo, iha. Kung hindi ka makakabayad, hindi ka namin pwedeng bigyan ng exam at masyado nang mataas ang balance mo.

Kailan ka mamartsa?
Baka sa katapusan po ng Marso.

Ms. Bell Garcia, wala na kaming magagawa. Ilang ulit ka na naming binigyan ng pagkakataon.
Hindi po ba ako pwedeng magmartsa man lang sa Marso?
Sa Oktubre na lang. May ilang panahon pa para pagsikapan mo.

Dumilim ang paligid ni Bell. Ang huling bagay na kanyang nagawa ay sumabit sa taling humadlang sa pangarap.

Kailan ho ang libing?

Sa katapusan ng Marso.




(ipagpatawad ang pagtatangka.lumaya ang isipan.kumawala ang panulat.)