Pag-ibig.
Masarap pakinggang pero mahirap panindigan. Sa panahon ngayon, maraming
nagsasabi na masaya ang magmahal o masarap ma-inlove. Ano ba ang sukatan para
masabing masaya ang magmahal? Kapag napapangiti ka sa bawat banat niya? Kapag
tinatanong ka kung nakakain ka na ba ng almusal, tanghalian, o hapunan? Kapag
bumabati ng good morning o good night? Kapag dinadamayan ka sa kalokohan? Paano
kung isang araw, hindi na niya yan gawin? Ano mahal mo pa?
Ang
mahirap kasi sa panahon ngayon, hindi na malinaw sa tao kung ano ang tunay na
kahulugan ng pag-ibig. Nakalimutan na ng tao kung paano dapat ipakita ang
pagmamahal. Kung paghoholding hands o PDA lang ang batayan para masabing
nagmamahalan ang dalawang nilalang, siguro nga maraming taong marunong
magmahal. Pero hindi. Mayroon pa ring mga tao na kahit na gaano katamis ang
pagsasama nila, sa bandang huli naghihiwalay pa rin. Bakit? Dahil hindi iyon
ang kailangan ng tao para manatiling in-love. Mayroon pa ring bahagi ng
pagkatao nila ang naghahanap ng tunay na pagmamahal. Ang tao kasi hanap nang
hanap kung kanino nila mararamdaman ang tunay na pagmamahal. Sabi nila baka
nasa tabi-tabi lang pero hindi mo napapansin. Subukan mong tumingin sa taas.
Pikit ang mata. Hinga ng malalim. Ako na ang magsasabi na ang pagmamahal na
kukumpleto sa buhay ng tao ay hindi nakasalalay sa taong makakarelasyon mo. Ang
totoong pagmamahal ay mararansan mo mula sa Diyos.
Wala
nang makahihigit sa pagmamahal na iyon. Kung iyon lang ang hahanapin ng tao,
mawawala na ang mga heartbroken at hopeless romantic. Walang kahit na sinong
tao ang makapagbibigay ng pagmamahal na kayang ibigay ng Diyos. Kahit kailan
hindi ka maha-heartbroken. Ang pinakamasayang lovelife ay ang pagkakaroon ng relasyon
sa Diyos.
No comments:
Post a Comment