Tula ni Joanna Marie Santos, LPT
Paalam
Sa mga di inasam na mga pangyayari sa buhay
Lumbay mula sa mga pangungulila
Pag-guho ng mga pag-asa at naudlot na saya
Pagkatalo sa mga isinugal na pag-ibig at pangarap
Ngunit sa likod ng lahat ng pagkalugmok
Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok
Sa iba't ibang hamon na hinarap
Sa mga dagok na nilasap
Kinaya ko, kinaya mo
Kaya kakayanin mo ang mga nakahandang araw sa susunod na taon
Nang may lakas ng loob at matinding pananampalataya sa Panginoon
Kaya kumapit ka
Ihanda ang sarili sa mga babagsak na biyaya mula sa kalangitan
Tapos na ang pamumuhay sa ibaba
Ikaw ay babangon at mananatili sa itaas
Buksan mo ang mga palad upang tanggapin ang ginhawa
Ihanda ang iyong puso sa mga paparating na ligaya
Sa bagong taon na ating haharapin
Wala akong ibang hangad kundi ikaw ay pagpalain
Sa busilak na puso at walang mintis na panalangin
Makikita mong sasagutin ang bawat mong hinaing
Mangarap, magsumikap
Maniwala sa mga magagandang bagay
Maging maligaya at payapa
Manampalataya sa buong Maykapal
Limutin at talikuran ang nakaraan
Mga bahagi ng nakaraan na sa iyo ay nagpatatag
Mas lalo kang tatapang at titibay
Makakamtan mo ang matagal mo nang hinihintay
Sa lungkot ay may saya
Sa mga problema'y may biyaya
Bumangon ka sa pagkakadapa
Tumindig ka't maging malaya
Damhin ang pag-asang hatid ng bagong buhay
Maging mas mabuti kaysa sa dating ikaw
Gawing positibo ang iyong pananaw
Matatamasa mo ang lahat ng iyong inaasam.
Manigong Bagong Taon sa inyong lahat
Pagpalain kayo ng buong Maykapal
Saturday, December 31, 2016
Thursday, December 29, 2016
What God Can Do in 15 Days
Introduction
“For he says, “In the time of my favor I heard you, and in the day of salvation I helped you.” I tell you, now is the time of God’s favor, now is the day of salvation.”
2 Corinthians 6:2 NIV
2 Corinthians 6:2 NIV
It may not come today but keep the faith and believe in God that even if it did not come today, you believe it will come tomorrow or the next day or the days after or weeks after. What matters is it comes just right on time.
Maybe you were expecting something to happen today like some company would call you or you would have an interview for today or even be hired immediately because you know in your heart and you have the faith that it will happen today, but it didn't. Would you lose your faith? No! Because we do not know God's time to make it happen but when you believe, no matter how long, it will come. Not based on your timetable but on God's time. God may not give you what you have been praying for but you don't stop praying and believing because when it will happen is up to God and not up to you. He is the God who made everything and He is the same God who will give you what you need. You just have to believe and never give up because God is never and will never give up to fulfill His plans and promises for you.
I wrote this journal because I was waiting for a job in Dubai. Honestly, I was losing my heart and my faith when I was writing this. I was challenging God to prove His faithfulness in my life. In What God Can Do in 15 Days, I wrote my daily remorse and you will see what God did.
I am posting this because I know, somewhere, there are souls looking for God's existence and I can tell that He is real. He is alive. He is faithful. I hope you can read until the end.
"When you feel like you want to give up, that is the time you should hold on more to God."
For more about this, visit https://msjoannasantos.wordpress.com
For more about this, visit https://msjoannasantos.wordpress.com
Labels: panitikan, Filipino, wika, Pilipinas
What God Can Do in 15 Days
Worries
For an over-thinker like me, it has been a big issue for me to worry. I worry every single moment which I know will come. I know it is not a good attitude because it shows how faithless and fearful I am. And I admit. I am scared. I fear. I am intimidated. I am not good enough. I fear failure and rejection. So, I worry.
But God is a promise keeper.
He said,
"Therefore do not worry about tomorrow for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" -Matthew 6:34, NIV
It is true. Worry reflects that I do not trust God enough. In this chapter of the Bible, Jesus explained how He provides even for the birds. So if He can provide the needs of the birds, how much more he can provide for His children?
My confidence is now founded in God. He is showing me how He handles my every day life. It is not perfect. There will always be challenges and problems but the promise is I am not facing it alone.
Ever since I came here i Dubai, God reveals His power and faithfulness in my life every day. He is above all authorities here on Earth. I have learned to surrender everything under His authority, declaring that every areas of my life is under His power and sovereignty. He is God.
We should know who God is in our lives. Without knowing Him and what He can do, we cannot live worry-free lives. In Him, there is no fear and insecurities because in Him we are living victoriously.
If you are worrying right now, maybe in your jobs, families, health, financial, relationships, I encourage you to trust God and surrender it to His authority and you will see how God can move and change your situation. There is always hope in God. You just got to believe the Promise Keeper.
Monday, December 26, 2016
Babae
Tula ni Joanna Marie Santos
Kung ikaw ay isang babae, para sa iyo ito.
Basahin mo nang malaman mo
Mga salitang dapat itatak sa iyong isip at puso
Iyong damhin at tandaan ang mga ito.
Babae
Ikaw ay babae
Malakas, matapang, matatag
Kinakaya ang lahat ng hamon ng buhay
Nilalagpasan ang mga bagyong sumasalanta
Iiyak man ngunit hindi matitinag
Ang pusong laging handang lumaban.
Babae
Ikaw ay maganda
Huwag pakinggang ang sinasabi ng iba
Ang iyong kagandahan ay laging nangingibabaw
Sa iba't ibang paraan na hindi nauunawaan ng iba
Takpan ang iyong pandinig sa mga pangungutya
Huwag ipanakaw ang iyong kagandahan
Babae
Ikaw ay dalisay
Ang iyong mabuting puso ay ingatan
Madaming sakit ang iyong dadanasin
Ngunit huwag tatabunan ng suklam at galit
Panatilihin ang pusong dalisay sa gitna ng mapanlinlang na daigdig
Kahit anong sama nila'y huwag padadaig
Babae
Ikaw ay pag-asa
Pag-asa ng Inang Bayang nagdurusa sa hapis
Sa mga karimarimarim na dumi ng lahi, ikaw ay tumindig
Buksan ang tinig at isigaw ang laman ng dibdib
Iyong ipaglaban mga karapatang dapat ay taglayin
Mga pagsasamantala at pang-aapi ay iyong tatalunin
Babae
Isa kang biyaya mula sa May Kapal
Ikaw ay mamahalin ng taong karapat-dapat
Huwag maghabol sa pag-ibig na bulag
Alam kong alam mo ang iyong dapat makamtan
Kahit kaila'y huwag ibaba ang sarili
Tunay na pag-ibig ikaw ang hahanapin
Madaming bagay ang magpaparamdam sa'yo ng inggit
Kahit kaila'y huwag pagdudahan ang sarili
Ang nasasa'yo ay di man mahahanap sa iba
Magpakatotoo ka't huwag magpadaig sa kanila
'Di mo kailangan ng kolorete sa mukha
O kaya'y balingkinitang katawang hanap-hanap nila
Laging tandaang ikaw ay higit pa sa sapat.
Kung ikaw ay isang babae, para sa iyo ito.
Basahin mo nang malaman mo
Mga salitang dapat itatak sa iyong isip at puso
Iyong damhin at tandaan ang mga ito.
Babae
Ikaw ay babae
Malakas, matapang, matatag
Kinakaya ang lahat ng hamon ng buhay
Nilalagpasan ang mga bagyong sumasalanta
Iiyak man ngunit hindi matitinag
Ang pusong laging handang lumaban.
Babae
Ikaw ay maganda
Huwag pakinggang ang sinasabi ng iba
Ang iyong kagandahan ay laging nangingibabaw
Sa iba't ibang paraan na hindi nauunawaan ng iba
Takpan ang iyong pandinig sa mga pangungutya
Huwag ipanakaw ang iyong kagandahan
Babae
Ikaw ay dalisay
Ang iyong mabuting puso ay ingatan
Madaming sakit ang iyong dadanasin
Ngunit huwag tatabunan ng suklam at galit
Panatilihin ang pusong dalisay sa gitna ng mapanlinlang na daigdig
Kahit anong sama nila'y huwag padadaig
Babae
Ikaw ay pag-asa
Pag-asa ng Inang Bayang nagdurusa sa hapis
Sa mga karimarimarim na dumi ng lahi, ikaw ay tumindig
Buksan ang tinig at isigaw ang laman ng dibdib
Iyong ipaglaban mga karapatang dapat ay taglayin
Mga pagsasamantala at pang-aapi ay iyong tatalunin
Babae
Isa kang biyaya mula sa May Kapal
Ikaw ay mamahalin ng taong karapat-dapat
Huwag maghabol sa pag-ibig na bulag
Alam kong alam mo ang iyong dapat makamtan
Kahit kaila'y huwag ibaba ang sarili
Tunay na pag-ibig ikaw ang hahanapin
Madaming bagay ang magpaparamdam sa'yo ng inggit
Kahit kaila'y huwag pagdudahan ang sarili
Ang nasasa'yo ay di man mahahanap sa iba
Magpakatotoo ka't huwag magpadaig sa kanila
'Di mo kailangan ng kolorete sa mukha
O kaya'y balingkinitang katawang hanap-hanap nila
Laging tandaang ikaw ay higit pa sa sapat.
Friday, December 2, 2016
Lungkot ng Pasko
Tula ni Joanna Marie Santos
(Gusto ko sananga gawing spoken words poetry pero ayokong gumawa ng video 😂)
Ayoko ng Pasko
Simula sa'king kabataan dumarating ang lungkot tuwing sasapit ang kapaskuhan
Sa tuwing sinasabi ko ito
Marami ang nagtakaka
Nagtatanong
Bakit?
Bakit nga ba?
Maraming natutuwa sa tuwing nakakikita ng iba't ibang ilaw
Mga Christmas lights
Ngunit, hindi ako.
Sumasaya sa tuwing nakaririnig ng mga awiting pamasko
Ngunit, hindi ako.
Nagagalak sa mga regalo
Ngunit, hindi ako.
Siguro sa simula, oo.
Naaalala ko noon
Sa tuwing sasapit ang unang araw ng Disyembre
Kinakabit namin ang aming Christmas tree.
Ngunit, hindi na ngayon.
Laging may regalo pagkagising sa bisperas ng Pasko
Ngunit, hindi na ngayon.
Maraming masasakit na alaala ang pumapasok sa aking isipan
Sa tuwing makakikita ng mga ilaw
Sa tuwing makatirinig ng masasayang awiting pamasko
Sa tuwing makakikita ng mga regalo
Malungkot
Sobrang lungkot
Lungkot na bumabalot samantalang ang lahat ng tao ay maligaya
Ngunit, hindi na ngayon.
Sa tuwing nakakikita ng mga ilaw
Sa tuwing makaririnig ng mga awitin
Sa tuwing makatatanggap ng regalo
Wala ng lungkot
Hindi na ngayon.
Iba na ngayon.
Dahil ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi dahil sa masasakit na alaala
Ito ay ang pag-alala sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan
Sa Kanyang pagdating
Nagkaroon ng pag-asa
Nagkaroon ng tunay na kaligayahan
Nagkaroon ng pagbibigayan
Binigyan tayo ng kaligtasan
Sa lungkot ng Pasko
Tunay na ligaya ang pumalit
Dahil hindi na lungkot ang nadarama tuwing Pasko
Saya
Ligaya
Galak
Pasasalamat
Nawala lahat ng dahilan kong malungkot nang makilala ko Siya
Siya ang nagligtas sa akin sa lahat ng kalungkutan ng nakaraan
Siya ang buhay
Siya ang nagbigay buhay sa puso kong pinatay ng masaklap na nakaraan
At simula noon
Simula nang Siya'y makilala ko
Nag-iba ang lahat
Ang lahat ay nag-iba nang Siya ay dumating
Sa kanyang pagsilang ay may ligayang hatid
Ligayang hindi namamatay
Hindi napapawi
Hindi nawawala
Kaya nawala ang lungkot ng aking Pasko
Natapos ang lungkot ng Pasko.
(Gusto ko sananga gawing spoken words poetry pero ayokong gumawa ng video 😂)
Ayoko ng Pasko
Simula sa'king kabataan dumarating ang lungkot tuwing sasapit ang kapaskuhan
Sa tuwing sinasabi ko ito
Marami ang nagtakaka
Nagtatanong
Bakit?
Bakit nga ba?
Maraming natutuwa sa tuwing nakakikita ng iba't ibang ilaw
Mga Christmas lights
Ngunit, hindi ako.
Sumasaya sa tuwing nakaririnig ng mga awiting pamasko
Ngunit, hindi ako.
Nagagalak sa mga regalo
Ngunit, hindi ako.
Siguro sa simula, oo.
Naaalala ko noon
Sa tuwing sasapit ang unang araw ng Disyembre
Kinakabit namin ang aming Christmas tree.
Ngunit, hindi na ngayon.
Laging may regalo pagkagising sa bisperas ng Pasko
Ngunit, hindi na ngayon.
Maraming masasakit na alaala ang pumapasok sa aking isipan
Sa tuwing makakikita ng mga ilaw
Sa tuwing makatirinig ng masasayang awiting pamasko
Sa tuwing makakikita ng mga regalo
Malungkot
Sobrang lungkot
Lungkot na bumabalot samantalang ang lahat ng tao ay maligaya
Ngunit, hindi na ngayon.
Sa tuwing nakakikita ng mga ilaw
Sa tuwing makaririnig ng mga awitin
Sa tuwing makatatanggap ng regalo
Wala ng lungkot
Hindi na ngayon.
Iba na ngayon.
Dahil ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi dahil sa masasakit na alaala
Ito ay ang pag-alala sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan
Sa Kanyang pagdating
Nagkaroon ng pag-asa
Nagkaroon ng tunay na kaligayahan
Nagkaroon ng pagbibigayan
Binigyan tayo ng kaligtasan
Sa lungkot ng Pasko
Tunay na ligaya ang pumalit
Dahil hindi na lungkot ang nadarama tuwing Pasko
Saya
Ligaya
Galak
Pasasalamat
Nawala lahat ng dahilan kong malungkot nang makilala ko Siya
Siya ang nagligtas sa akin sa lahat ng kalungkutan ng nakaraan
Siya ang buhay
Siya ang nagbigay buhay sa puso kong pinatay ng masaklap na nakaraan
At simula noon
Simula nang Siya'y makilala ko
Nag-iba ang lahat
Ang lahat ay nag-iba nang Siya ay dumating
Sa kanyang pagsilang ay may ligayang hatid
Ligayang hindi namamatay
Hindi napapawi
Hindi nawawala
Kaya nawala ang lungkot ng aking Pasko
Natapos ang lungkot ng Pasko.
Wednesday, November 23, 2016
Patungo
Tula ni Joanna Marie Santos
Saan patungo
Saan patungo ang puso mong lito
Paano ihahakbang ang paa mong hila ng kahapon
Paano uusad sa mga pangarap na iniipon
Kaliwa
Sa kaliwa nakahimlay ang gusto ng sarili
Mga minimithing paulit-ulit na ninanais
Ngunit mali. Mali ang kumaliwa kung saan may bangin
Kung saan alam ng sarili'y kapahamakan ang sapitin
Kanan
Sa kanan nakaguhit ang alam na tama
Mga sinasabi ng isip na makapagpapaligaya
Tama ma'y sadyang tumataliwas sa pusong umaasa
Umaasang may pag-asa ngunit wala
Kung saan ang tama ay hindi nagpapaligaya
Gitna
Naiipit sa gitna
Walang pagkilos at walang paggalaw
Gustong mawala ngunit saan
Saan tatahakin ang pagtatalo ng puso't isipan
Puso't isipan na di magkasundo't laging naglalaban
Likod
Lumingon man sa likuran
Takot ang nangingibabaw dahil paulit-ulit
Uulit-ulitin lang din ang nakaraang masakit
Paikot-ikot sa kirot na hatid
Babalikan pa ba ang natakasan na
Harap
Matutong humarap
Harapin ang bawat pagsubok ng buhay
Lumakad ka man o gumapang papunta
Sa lahat ng tiniis at pinaghirapan
Iyong makikita ang iyong layo ng napatunguhan.
Saan patungo
Saan patungo ang puso mong lito
Paano ihahakbang ang paa mong hila ng kahapon
Paano uusad sa mga pangarap na iniipon
Kaliwa
Sa kaliwa nakahimlay ang gusto ng sarili
Mga minimithing paulit-ulit na ninanais
Ngunit mali. Mali ang kumaliwa kung saan may bangin
Kung saan alam ng sarili'y kapahamakan ang sapitin
Kanan
Sa kanan nakaguhit ang alam na tama
Mga sinasabi ng isip na makapagpapaligaya
Tama ma'y sadyang tumataliwas sa pusong umaasa
Umaasang may pag-asa ngunit wala
Kung saan ang tama ay hindi nagpapaligaya
Gitna
Naiipit sa gitna
Walang pagkilos at walang paggalaw
Gustong mawala ngunit saan
Saan tatahakin ang pagtatalo ng puso't isipan
Puso't isipan na di magkasundo't laging naglalaban
Likod
Lumingon man sa likuran
Takot ang nangingibabaw dahil paulit-ulit
Uulit-ulitin lang din ang nakaraang masakit
Paikot-ikot sa kirot na hatid
Babalikan pa ba ang natakasan na
Harap
Matutong humarap
Harapin ang bawat pagsubok ng buhay
Lumakad ka man o gumapang papunta
Sa lahat ng tiniis at pinaghirapan
Iyong makikita ang iyong layo ng napatunguhan.
Friday, March 25, 2016
Mahirap na Tanong ng Isang Estudyante sa Gurong sa Filipino Lang Naman Magaling Pero Bida-Bida Sumagot
Isang gabi, may estudyante akong biglang nagmessage sa akin. Ang sabi niya, "Miss, paano ba mag-move on?" Ang sagot ko, "Pray. Engage yourself in activities that will make you grow as a person. Spend time with your family and friends. Pero kung naiiyak ka, iiyak mo lang hanggang sa wala ka nang maiyak." Habang tina-type ko 'yan, confident na confident ako sa sagot ko. Alam ko kasing tama.
" Miss, nagawa ko na po lahat 'yun pero wala e."
Nag-isip ako. Paano nga ba? Inalala ko kung ano ba 'yung mga ginawa ko. Inisip ko sa pinakaumpisa. Ano-ano nga ba 'yung mga ginawa ko? Lumipas ang ilang minuto, wala pa rin akong masagot sa tanong niya. Nag-isip ako nang nag-isip. Hanggang sa wala na akong maisagot kundi...
"Lilipas din 'yan."
Minsan kasi bida-bida ako kung sumagot at magbigay ng payo sa mga estudyante ko pero 'yung totoo, minsan hindi ko rin alam ang isasagot. Bakit?
Kasi 'yung mga tanong nila,
tanong ko rin sa sarili ko.
*Dagli na may mahabang pamagat pero maikli lang ang kwento
Ni Joanna Marie S. Santos
" Miss, nagawa ko na po lahat 'yun pero wala e."
Nag-isip ako. Paano nga ba? Inalala ko kung ano ba 'yung mga ginawa ko. Inisip ko sa pinakaumpisa. Ano-ano nga ba 'yung mga ginawa ko? Lumipas ang ilang minuto, wala pa rin akong masagot sa tanong niya. Nag-isip ako nang nag-isip. Hanggang sa wala na akong maisagot kundi...
"Lilipas din 'yan."
Minsan kasi bida-bida ako kung sumagot at magbigay ng payo sa mga estudyante ko pero 'yung totoo, minsan hindi ko rin alam ang isasagot. Bakit?
Kasi 'yung mga tanong nila,
tanong ko rin sa sarili ko.
*Dagli na may mahabang pamagat pero maikli lang ang kwento
Ni Joanna Marie S. Santos
Labels: panitikan, Filipino, wika, Pilipinas
Dagli,
Filipino,
Kontemporaryong Panitikan,
Panitikan
Thursday, March 17, 2016
Selena
Tula ni Joanna Marie S. santos
Sa pinasok kong mapanghamong mundo
Lahat ng pangamba at takot ay bumalot
Sa kalooban man ay walang kasiguraduhan
Tinanggap pa rin ginuhit na kapalaran
Tinahak ang propesyong tapang ang kailangan
Sipag, tiyaga, at pawis ang puhunan
Sa dami ng gustong magawa at maisakatuparan
Isa rito ang makahipo ng puso ng kahit isang bata
Sa isang pribadong institusyong 'di alam ang patungo
Mga batang tuturuang 'di alam kung sino-sino
Sa lahat ng kabiguang nadama sa pagtuturo
Isang bata ang nagpabago ng lahat ng ito
Sa mga panahong walang kabuluhan ang nadama
Siya ang nagpadama na ang trabaho'y may katuturan
Sa bawat panghihina na naranasan araw-araw
Siya ang nagbigay lakas na pumasok ulit kinabukasan
Sa lahat ng mga mag-aaral na hinawakan
Iilan lang ang nakakikita ng kagandahan ng aking asignatura
Hindi lahat ay may interes na magbasa't sumulat ng tula
Marami ring walang ganang magbasa ng kwento't nobela
'Di ko man natupad ang tungkulin ko bilang guro ng wika
Nagkulang man ako sa mga turo't pangaral
May iilang mga bata ang nakakita ng aking halaga
Iilan lang sa kanila ang natutong magbasa't sumulat nang tunay
Ang aking adhikang humipo ng buhay ay bigo
Ang pagtingin sa sarili'y mababa at lubog
Ngunit sa pagtanggap na pinaramdam ng batang ito
May isang katuparan sa mga naging layunin ko
Nagpalakas ng loob sa pusong nanghihina
Nagbigay katuparan sa inaabot na pangarap
Sa aking paglisa'y may bitbit na ligaya
Isang batang humipo rin sa aking buhay
Sa kabila ng lahat ng pangungulit
Maging sa mga kwentong binabahagi
Siya'y nagbibitbit ng ligayang pumawi sa lumbay
Nagbibigay gana sa katawang nakalaylay
Sa iyong kaarawa'y tanging hiling
Pagmamahal na kailanga'y makamit
Mga pagpapala mula sa Diyos ay tanggapin
Walang hanggang kagalakan ay manatili
Laging tandaang narito lamang ako
Handang makinig at tumulong sa iyo
Lumisan man ako at lumayo
Sana'y 'di malayo ang puso mo
Maligayang kaarawan sa minamahal kong mag-aaral, Selena. Salamat sa lahat. Pagpalain ka nawa ng ating Panginoon.
Labels: panitikan, Filipino, wika, Pilipinas
Kontemporaryong Panitikan,
Literatura at Wika,
Panitikan,
Tulang Filipino
Wednesday, March 16, 2016
Kay Carissa
Tula ni Joanna Marie S. Santos
Pinagsamang mga 'di pangkaraniwang bata
Halo-halong mga katangian
Isang 'di pangkaraniwang bata
Ang may kakaibang katangian.
Sa silid na ito'y maingay at magulo
Ngunit ang batang ito'y nanatiling tahimik at matino
Di man siya tulad ng nakararami
Siya naman ay namumukod-tangi.
Maliit man siya sa paningin
Ang kanyang puso ay ubod ng laki
Ang kanyang kutis na maputi
Ay tulad ng ugaling mabuti.
Ang kanyang paniniwala ay kahang-hanga
Kailanma'y 'di bumibitaw sa pananampalataya
Siya'y nagniningning tulad ng umaga
Sa aming lahat siya'y pagpapala.
Ngayong kaarawan mo'y ligaya ang manaig
Nawa'y libutan ka ng mga taong sa'yo'y umiibig
Pagpalain ka nawa ng Panginoon natin
Ang Kanyang kabutiha'y sa'yo mamayani.
Ang lahat ng dalangin mo sa Panginoon
Maging ang mga bagay na inaasam mo
Laging tandaan na ito'y magkakatotoo
Ayon sa plano ng Diyos para sa iyo.
Ituloy ang paglilingkod sa Kanya
Ang tinig ng papuri ay ialay lamang sa Kanya
Sa mga susunod na taong sa iyo'y idaragdag Niya
Lalo ka pang lumago at maging biyaya.
Para sa aking mag-aaral na si Carissa Amanda G. Cabotaje, maligayang kaarawan sa iyo.
Nagmamahal,
Bb. Joanna
Pinagsamang mga 'di pangkaraniwang bata
Halo-halong mga katangian
Isang 'di pangkaraniwang bata
Ang may kakaibang katangian.
Sa silid na ito'y maingay at magulo
Ngunit ang batang ito'y nanatiling tahimik at matino
Di man siya tulad ng nakararami
Siya naman ay namumukod-tangi.
Maliit man siya sa paningin
Ang kanyang puso ay ubod ng laki
Ang kanyang kutis na maputi
Ay tulad ng ugaling mabuti.
Ang kanyang paniniwala ay kahang-hanga
Kailanma'y 'di bumibitaw sa pananampalataya
Siya'y nagniningning tulad ng umaga
Sa aming lahat siya'y pagpapala.
Ngayong kaarawan mo'y ligaya ang manaig
Nawa'y libutan ka ng mga taong sa'yo'y umiibig
Pagpalain ka nawa ng Panginoon natin
Ang Kanyang kabutiha'y sa'yo mamayani.
Ang lahat ng dalangin mo sa Panginoon
Maging ang mga bagay na inaasam mo
Laging tandaan na ito'y magkakatotoo
Ayon sa plano ng Diyos para sa iyo.
Ituloy ang paglilingkod sa Kanya
Ang tinig ng papuri ay ialay lamang sa Kanya
Sa mga susunod na taong sa iyo'y idaragdag Niya
Lalo ka pang lumago at maging biyaya.
Para sa aking mag-aaral na si Carissa Amanda G. Cabotaje, maligayang kaarawan sa iyo.
Nagmamahal,
Bb. Joanna
Labels: panitikan, Filipino, wika, Pilipinas
Filipino,
Kontemporaryong Panitikan,
Tulang Filipino,
Wika at Panitikan
Monday, March 14, 2016
Birthday Cake
Maikling kwentong Filipino
Tuwing kaarawan ni Mariel ay nakatatanggap siya ng cake mula sa kanyang tatay. Tatlong araw na lang ay sasapit na ang kanyang ika-sampung kaarawan. Sabik na sabik na siyang magdiwang ng kanyang kaarawan dahil bukod sa mga regalong kanyang inaasahan, ay gustong-gusto niyang hipan ang sindi ng kandila sa kanyang cake pagkatapos siyang awitan ng kanyang mga kalarong imbitado sa kanyang kaarawan.
"Tatlong tulog na lang at kaarawan na ng mahal kong anak. Ano ang gusto mong regalo?", tanong ng ama.
"Gusto ko po ng cake na lagi niyong binibili tuwing birthday ko, Tay. 'Yung maraming maraming chocolate tapos may mga bulaklak sa gilid. Mayroon ding mga kandila na ihihipan ko", magiliw na sagot ni Mariel.
" 'Yun lang ba anak? Hindi pwedeng mawala ang cake mo sa birthday mo. Pangako 'yan anak.", agad na sagot ng ama.
Lalong nanabik si Mariel dahil sa sinabi ng tatay. Alam niyang tutuparin ng kanyang tatay ang pangako sa kanya.
Pagkatapos mag-usap ng mag-ama ay pinatulog na nito si Mariel.
"Huwag kang mag-alala anak. Gagawa ako ng paraan para makabili ng cake mo at makahipan ka ng maraming nakasinding kandila sa birthday mo", pabulong na wika ng ama sa sarili.
Kinabukasan sa paaralan ni Mariel, masayang-masaya siyang naglakad papunta sa kanyang silid-aralan ngunit sa kanyang pagpasok ay may napansin siyang kakaiba. Hindi ganoon ang karaniwang dinadatnan ni Mariel sa kanyang pagpasok. Tahimik ang buong klase. Ang mga kamag-aral na madalas ay hindi nauubusan ng kwento ay hindi nagsasalita. Ang mga magigiliw niyang kaibigan na madalas ay naglalaro ng mga manikang papel ay walang kibo at nakaupo lang. Pumasok si Mariel sa silid-aralan at doon ay nakarinig siya ng mga hikbi na tili malalim ang pinaghuhugutan. Ang kanyang mga kamag-aral ay hindi umiimik at nakayuko lang. Nakita niyang nakaupo sa tabi ni Binibining Soledad ang kanyang kamag-aral na si Andrew. Umiiyak.
"Magandang umaga po, Binibining Soledad", mahinang wika ni Mariel.
"Magandang umaga rin Mariel. Maupo ka muna sa iyong upuan at mamaya ay magsisimula na rin tayo sa ating klase", malumanay na sagot ni Binibining Soledad.
Dahan-dahang naglakad si Mariel papunta sa kanyang upuan. Dahan-dahan niyang nilapag ang kanyang gamit at umupo sa kanyang upuan. Pinagmasdan ni Mariel ang kanyang paligid at ang kanyang mga kamag-aral. Tila nabalot ng lungkot at pighati ang kanilang silid. Ang mga ngiti na laging nangingibabaw sa mukha ng kanyang mga kamag-aral ay naglaho. Ang kanilang mga mata ay tulala sa hangin na tila tinatanaw ang isang bagay na hindi naman naaaninag. Ang tawanan at kwentuhan na laging bumabalot sa kanilang silid ay nabaon sa katahimikan.Hindi na natiis ni Mariel ang mga napapansin kaya nagtanong siya sa kanyang katabi.
"Lisa, anong nangyari? Bakit ang lungkot-lungkot ninyo? Bakit umiiyak si Andrew?"
"Namatay ang tatay ni Andrew. Nabagsakan daw ng mga bato sa gusaling ginagawa sa may palengke kaninang madaling araw. Hindi pa raw kasi matibay ang pagkakatayo ng poste kaya ito bumagsak. Isa ang tatay ni Andrew sa nadaganan ng mga bato."
Nanikip ang dibdib ni Mariel na tila pumigil sa kanyang paghinga nang marinig ang kwento ng kamag-aral. Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Mariel nang tingnan niya si Andrew. Ngayon ay naunawaan na niya kung bakit malungkot ang kanilang klase.
"Klase, alam natin na masakit ang balitang narinig natin ngayong umaga. Walang nakakaalam sa atin kung hanggang saan lang ang ating buhay. Pero hindi dapat tayo malungkot lang dahil alam naman natin na may mas magandang buhay ang mararanasan ng tatay ni Andrew sa langit. Sasamahan muna natin si Andrew habang inaayos pa ng kanyang nanay ang mga dapat ayusin. Kaya 'wag na muna nating isipin ang lungkot. Gaya ng lagi nating ginagawa sa ating klase, tayo ay sama-samang mag-aaral at magsasaya. At sa araw na ito ang pasasayahin natin ay si Andrew. Okay ba sa iyo, Andrew?" ang sabi ni Binibining Soledad.
Tumango lamang ng ulo si Andrew at naglakad papunta sa kanyang upuan. Sa kanyang pag-upo ay nilapitan siya ng kanyang mga kamag-aral at niyakap.
"Salamat sa inyo. Alam ko na kahit wala na ang tatay ko, may mga kaibigan pa rin akong makakasama ko", ang wika ni Andrew sa mga kamag-aral.
"Huwag kang mag-alala. Lagi lang kaming nandito para samahan ka", ang sagot ni Carlo.
"Oo nga! sabay-sabay na wika ng mga kamag-aral.
Matapos ang kanilang klase ay tumunog ang bell na hudyat para sa uwian. Hindi pa rin makapaniwala si Mariel sa nangyari sa kanyang kamag-aral. Pagkauwi sa bahay ay ikinuwento niya ito sa kanyang nanay at tatay.
"Sobrang lungkot naming lahat kanina dahil sa nangyari kay Andrew. Ayokong mangyari sa iyo 'yun 'Tay" , malungkot na sabi ni Mariel.
"Isang aksidente nga ang nangyari kanina. Nagulat din ako nang marinig ang balita", sabi ng tatay ni Mariel.
"Kaya lagi kang mag-iingat sa trabaho mo. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari", wika ng ina.
Nang mabanggit ito ay biglang nagbago ang mukha ng tatay ni Mariel.
"Anong problema?" tanong ng ina.
"Ah, wala. Nakalulungkot lang ang balita. Ipagdasal na lamang natin ang kanilang pamilya", sagot ng
ama.
ama.
"Kumain na tayo at mamaya ay sumandali tayong makiramay sa kanila", ang sabi ng ina.
Papunta na ang pamilya ni Mariel sa tahanan nina Andrew para makipaglamay. Sa daan pa lamang ay dama na ni Mariel ang bigat at lungkot na bumabalot sa lugar. Ang bahay nina Andrew ay puno ng mga nakasinding kandila at napaliligiran ng bulaklak. Naroon si Andrew sa unahan. Nakaupo at pinagmamasdan ang puting kabaong ng ama. Nilapitan ni Mariel si Andrew.
"Andrew, nakikiramay kami sa pamilya mo."
"Salamat, Mariel."
Ilang sandali ng katahimikan ang pumagitna sa magkaibigan nang biglang magsalita si Andrew.
"Alam mo, kung alam ko lang na mangyayari ito sa tatay ko, naging mabuti sana akong anak sa kanya. Sana nag-aral ako nang mabuti gaya ng lagi niyang sinasabi sa akin. Sana..." , at biglang pumatak ang mga luha mula sa mata ni Andrew.
"Hindi pa huli ang lahat, Andrew. Nandito pa ang iyong nanay. May pagkakataon ka pang maging mabuting anak sa kanya.", ang sabi ni Mariel para pagaangin ang loob ng kaibigan.
" Para mabawasan ang lungkot mo, iimbitahan kitang pumunta sa pagdiriwang ng kaarawan ko kung gusto mo."
"Salamat, Mariel. Gumaang na nang kaunti ang pakiramdam ko."
Lumipas ang ilang sandali at umuwi na rin sina Mariel sa kanilang bahay kasama ang kanyang mga magulang.
Papunta na ang pamilya ni Mariel sa tahanan nina Andrew para makipaglamay. Sa daan pa lamang ay dama na ni Mariel ang bigat at lungkot na bumabalot sa lugar. Ang bahay nina Andrew ay puno ng mga nakasinding kandila at napaliligiran ng bulaklak. Naroon si Andrew sa unahan. Nakaupo at pinagmamasdan ang puting kabaong ng ama. Nilapitan ni Mariel si Andrew.
"Andrew, nakikiramay kami sa pamilya mo."
"Salamat, Mariel."
Ilang sandali ng katahimikan ang pumagitna sa magkaibigan nang biglang magsalita si Andrew.
"Alam mo, kung alam ko lang na mangyayari ito sa tatay ko, naging mabuti sana akong anak sa kanya. Sana nag-aral ako nang mabuti gaya ng lagi niyang sinasabi sa akin. Sana..." , at biglang pumatak ang mga luha mula sa mata ni Andrew.
"Hindi pa huli ang lahat, Andrew. Nandito pa ang iyong nanay. May pagkakataon ka pang maging mabuting anak sa kanya.", ang sabi ni Mariel para pagaangin ang loob ng kaibigan.
" Para mabawasan ang lungkot mo, iimbitahan kitang pumunta sa pagdiriwang ng kaarawan ko kung gusto mo."
"Salamat, Mariel. Gumaang na nang kaunti ang pakiramdam ko."
Lumipas ang ilang sandali at umuwi na rin sina Mariel sa kanilang bahay kasama ang kanyang mga magulang.
Kinaumagahan masiglang gumising si Mariel.
"Yehey! Birthday ko na bukas!"
Mabilis siyang lumabas ng kwarto at pumunta sa kanyang nanay na nagluluto ng kanilang agahan.
" 'Nanay, birthday ko na bukas! Papupuntahin ko rito sa bahay ang mga kaklase at kalaro ko. Madami po ba tayong ihahanda 'Nay?" masiglang tanong ni Mariel.
"Naku, anak ..."
"Oo naman! Madami tayong ihahanda bukas sa kaarawan mo", biglang sabi ng kanyang tatay. Papuntahin mo rito ang lahat ng mga kaibigan mo dahil ipagdiriwang nating ang kaarawan mo."
"Yehey! Salamat, 'Tay! Sobrang excited na ko bukas. Papupuntahin ko rin dito si Binibinig Soledad."
"Sige, anak. Pag-uwi mo bukas galing sa paaralan ay isama mo sila. Pero ngayon maghanda ka na dahil papasok ka pa sa eskwela at iimbitahin mo silang pumunta rito bukas",wika ng ama.
"Opo, 'Tay!"
Pagkaalis ni Mariel ay biglang bumuntong-hininga ang nanay.
"Hay, Isidro. Saan naman natin kukunin ang perang ipanghahanda natin sa kaarawan ng anak mo? Kasesesante mo lang sa trabaho kahapon at kailangan nating magtipid. Kung ipaliliwanag naman natin kay ito Mariel ay suguradong maiintindihan niya."
"Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala. Nakausap ko na si Pareng Bentong at bibigyan daw niya ako ng trabaho mamaya diyan sa palengke. Minsan lang naman sa isang taon ang kaarawan ng anak mo kaya pagbigyan na natin", paliwanag ni Mang Isidro.
"Anong trabaho naman iyang papauskin mo, Isidro? Kailan lang ay may nangyaring aksidente sa palengke dahil sa construction. Huwag mong sabihin sa aking..."
"Huwag ka nang mag-alala. Kayang-kaya ko ang trabahong iyon at mag-iingat naman ako. Kailangan nating bigyan ng masayang kaarawan ang ating anak. Para rin naman sa atin ito."
"Anong trabaho naman iyang papauskin mo, Isidro? Kailan lang ay may nangyaring aksidente sa palengke dahil sa construction. Huwag mong sabihin sa aking..."
"Huwag ka nang mag-alala. Kayang-kaya ko ang trabahong iyon at mag-iingat naman ako. Kailangan nating bigyan ng masayang kaarawan ang ating anak. Para rin naman sa atin ito."
Pagdating sa paaralan ay masayang-masaya si Mariel na ibinalita sa kanyang mga kamag-aral na sila ay imbitado sa kanyang kaarawan kinabukasan.
"Pumunta kayo sa bahay namin bukas. Maghahanda ang nanay at tatay ko ng mga pagkain para sa atin. Bibili rin ang tatay ng paborito kong cake."
"Sige, Mariel! Pupunta kami. Magpapaalam ako kay Inay mamaya para payagan ako", sabi ni Lisa.
"Kami rin"! sabay-sabay na sigaw ng iba niyang kamag-aral.
Nilapitan ni Mariel si Andrew na tahimik na nakaupo sa kanyang upuan.
"Andrew, alam kong malungkot ka pa rin. Kaya para sumaya ka kahit sandali, sumama ka sa amin bukas sa bahay namin. Papakainin kita ng masarap na luto ni nanay at para matikman mo rin ang cake na bibilhin para sa akin ni tatay", pang-iimbita ni Mariel.
"Sige na, Andrew. Sasamahan ka namin pati sa pag-uwi mo", ang sabi ng isa nilang kamag-aral.
"Binibining Soledad, sasama ka rin po sa amin 'di ba?" tanong ni Mariel.
"Sige mga bata sasamahan ko kayo. Andrew, huwag kang mag-alala sasamahan na rin kita pauwi sa inyo", ang sabi ni Binibining Soledad.
Tumango si Andrew at nagsabing, "Sige Mariel. Sasama ako. Siguraduhin mo lang na masarap ang cake na bibilhin ni Mang Isidro."
At sabay-sabay na naghiyawan at tumalon ang mga bata sa tuwa.
Pagkauwi ni Mariel ay hinanap niya ang kanyang ama.
" 'Nay narito na po ako. Nasaan po si Tatay?"
"Anak wala pa ang tatay mo. Nasa trabaho pa. Sige na, magpalit ka ng damit at gawin mo muna ang mga takdang aralin mo" wika ng ina.
Lumipas ang gabi ng paghihintay ni Mariel at nakatulog. Pagkagising niya ay agad itong bumangon at hinanap agad ang tatay.
" 'Nay, nasaan po si tatay?"
"Anak, gising ka na pala. Maligayang kaarawan sa iyo anak, mahal na mahal kita", wika ng ina sabay yapos sa anak.
"Tulog ka na nang dumating ang tatay mo. Hindi ka na niya pinagising dahil mahimbing ang tulog mo."
" E, nasaan po ngayon si tatay?"
"Maagang umalis ang tatay mo papunta sa bago niyang trabaho. Inagahan niya para maaga rin siyang makauwi para sa pagdiriwang ng kaarawan mo. Bibilhin pa raw niya ang cake na paborito mo."
Masayang-masaya si Mariel sa araw na iyon. Isa sa mga araw na laging niyang kinasasabikan. Mabilis lang na lumipas ang oras para kay Mariel. Maging ang kanyang mga kamag-aral ay masaya at nasasabik din sa kanyang handaan. Tumunog ang bell at hudyat na ng uwian. Sabay-sabay na naglakad papunta sa kanilang bahay si Mariel kasama ang kanyang mga kamag-aral maging ang kanilang guro na si Binibining Soledad.
"Mariel, siguro ang dami-daming ninyong handa, ano?", tanong ng isang kamag-aral.
"At siguradong masarap ang pagkain na luto ng iyong nanay," sabi ng isa pa.
"Hindi lang 'yun. Matitikman na rin natin ang paboritong cake ni Mariel", wika ng isa pa niyang kamag-aral.
Habang papalapit nang papalapit sila sa bahay nila Mariel ay pabilis nang pabilis ang pagtibok ng kanyang puso sa sabik. May napansin siyang kakaiba sa paligid. Tahimik ang daan papunta sa bahay nina Mariel. Wala sa daan ang kanilang mga kapitbahay na madalas ay nagkukwentuhan at ang mga batang naglalaro at naghahabulan. Naisip niyang susurpresahin siya ng mga ito sa kanilang bahay kaya binilisan niya lalo ang kanyang paglalakad.
Nang makarating sila Mariel sa kanilang bahay ay nagulat siya. Hindi ganoon ang madalas niyang nadadatnan sa kanilang bahay. Pamilyar sa kanya ang ganoong klase ng paligid. Ang paligid na kailan lang ay kanyang napuntahan. Madaming kandilang nakasindi sa loob ng kanilang bahay. Napalilibutan ng mga bulaklak ang kanilang paligid. Tahimik ang buong kabahayan. Naroon ang kanilang mga kapitbahay na tahimik at walang kibo na madalas ay masisigla at masayang nagkukwentuhan. Ang ngiti sa labi ni Mariel ay naglaho. Ang kanyang pananabik ay biglang napalitan ng pangingilabot. Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa kanilang bahay. Kanyang nadatnan ang isang malaking kahon na may nakasinding kandila sa ibabaw.
Naroon ang larawan ng kanyang ama.
Isidro T. Macabagdal
Nobyembre 12, 1970 - Marso 14, 2016
Labels: panitikan, Filipino, wika, Pilipinas
Filipino,
Kontemporaryong Panitikan,
Maikling Kwentong Filipino,
Wika at Panitikan
Subscribe to:
Comments (Atom)